Xireno!
May 20, 2009
WOOOoooooOOOO!hhhhHHH
Dito ko nalang isisingit ang Picture na to wahaha!
ang cute ni Xireno Ichikawa!ang batang ayaw sabihan ng AGI! nyehaha
NAKATALEEEHHH KASEEEEE EHHHHH!
A ba Ka dA
May 10, 2009
kung ang iba kapag walang maisip na title ang nilalagay ay “WALA AKONG MAISIP NA TITLE” ako naman may version ng “WALANG AKONG ISIP PERO MERON AKONG TITLE” (lalong tumatagal mas lumalalim din ang kajologan at kakornihan ko) pano ko kaya uumpisahan ang entry na ang title ay “A ba Ka da” hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito ang title ko ngayon, ang alam ko lang kasi gumising ako at ang sabi ko gagawa ko ng entry at itititle ko to sa “A ba Ka dA” at tatapusin din sa salitang “A ba Ka dA” lol mahirap mag isip lalo na kung marami gumugulo sa isipan mo (Nakaka challenge @_@) tapos bigla kang magiisip ng title na wala ka naman palang kwento dito pero malay mo, malay nya at malay ko rin na meron pala talagang kakahantungan ang kwentong ito.
Kuwento…
Kung naalala ko pa Grade 2 na ko natuto magbasa ng A ba ka da mas trip ko kasi na gumawa ng papel na eroplano kaysa magbasa ng barilara, tamad talaga ako dati magbasa, ang alam ko natuto lang ako nito nung ipanasulat samin to ng paulit ulit mula sa A ba ka da… at ya, ba be bi hanggang sa maka abot ka sa yaya yeye yiyi. ( kaya kung mahina ka sa mathematics maari mong gayahin ang teknik na to gamit lang ang paulit ulit na pagsulat ) ang naalala ko pa noon hindi kami pinapauwi ng titser namin kahit maglulupasay pa kami sa harap nya kailangan talaga tapusin.
Kung ang pagbabasa mo ay ang hindi lang makakarinig ay binge, kahit sa pagsusulat ang hindi lang din makakabasa ay ang mga bulag, Pero aminin na natin na wala ka talagang babasahin ngayon kung wala naman nag tsatsaga na magsulat…
bukod sa tuldok at patlang isa rin sa mapupuna mo sa mga sulat ko ang mga sinusulat kong “Hiwa hiwa lay” yung tipong nagbabasa kalang ng A ba ka da
Halimbawa:
* Maka pag usap ( Hanapin mo na lang maraming kabobohan sa blog na to)
Ganun ako magsulat may reklamo ba?, sabihin mo man na tulok talaga ako at hindi ko to inedit para ayusin ang mga kabobohan ko sa blog na to, Paki ko kung tawanan mo ko gaya ng taong Sulat lang nang Sulat!. nakakalungkot man isipin nakapag meron kang gustong ipahayag sa tao, e ang unang mapapansin ay ang kamalian at hindi ang hinain o damdamin mo, pero bilib parin ako sa diyos, alam ko kasi may dahilan talaga sya kung bakit ibinigay nya sa kamay ng tao ang panghuhusga…
Abakada ina, kung napanood mo yan malamang hindi ko na dapat ipaliwanag kung ano ba ang storya nyan, tulad ng ina ko hindi rin sya nakapagtapos sa pag aaral dala ng kahirapan pero kahit ganun ang nanay ko masasabi kong mas marami pa syang alam kaysa sa taong edukado (Kulang na kulang ang 2 dekadang ginugol ng iba), gustong gusto ng nanay ko na mag aral at tapusin ito, kung ako lang ang masusunod hindi ko pipigalan ang nanay sa gusto nya, naalala ko pa ang mga sinasabi nya samin. Sabi nya, kami raw ang mag patuloy sa mga pangarap nya noon na hindi nya na tupad. Kaya kong meron man isang tao nagbibigay sakin ng ispirasion sa pag aaral aralan, sya yun!.
Abakada itay? (meron ba nun?) isang government employee ang tatay ko pero hindi ko na sakop na sabihin pa dito kung anong ahensya sya sa gobyerno, basta alipin din sya ng gobyerno (Aangal ka? sa supreme court na lang tayo magkita) naalala ko pa nung mga panahon na pumapasok sya sa trabaho hindi nya sinusuot ang uniporme nya, lagi lang tong nakalagay sa bag, tsaka lang nya sinusuot yun pagnasa opis na sya tapos huhubarin nya ulit yun pagpauwi na, niminsan hindi nya kami pinakain ng galing sa masama o galing sa suhol ng ibang tao dun lang talaga akong bumilib sa tatay dahil sa malins sya magtrabaho, mas gugustuhin nalang nya na maghirap kaysa nakawin o pag intrisan ang perang hindi naman nya pinaghirapan, galing din kami sa hirap pero lahat ng naipundar ng tatay ko e masasabi kong galing sa pinagpaguran nya, iba man ang pananaw namin dalawa sa pera. Ngayon retirado na ang tatay ko pero sa hindi ko malaman na dahilan e meron parin sa kanyang nag sisir, naalala ko nung sumama ako sa kanya nakasakay kami sa sasakyan tapos may kasama sya na kasamahan nya ata sa trabaho (Na hindi naman nya kilala pero kilala sya) , wala nang ginawa kundi ang mag sir sa kanya bawat salita nya e panay may sir:
Sir Blah blah blah!, Blah Blah blah Sir?, e Sir Blah e…
Wag mo na akong I-SIR, mas maganda kasi pakinggan kung tatawagin mo na lang ako sa pangalan ko…
Okey sir! [matigas talaga ang ulo]
CLICK
Ikaw nalang magsabi kung namana ko ba ang ugali na yan
Kasuklam suklam lang kung malaman pa ng ibang tao kung ano ba ang kursong kinuha ko, sabi nila may pera daw sa kursong to, bahala na mag isip ang mga tao sakin, pero alam ng ibang tao natunay na nakakakilala sakin kung bakit ito ang kurso kinuha ko na hindi ko pinagsisihan, may gusto akong patunayan kaya bahala na silang humusga sakin, Parang ang layo na ng kwento ko… o(@_@)o
Pansin nyo? nawawala na ko sa title ko lumilihis ang kwento ko sa abakada.:D Isang malupet na tanong na lang para naman may ending ang kwentong ito…
Tanong:
* Mababawas ba ang pagmamahal mo sa tao kung sakaling malaman mong hindi sya marunong bumasa ng abakada?. Hindi ko lam pero bilib ako sa tatay ko,
* Kung ang salitang nang at ng ay magkaiba, papano mo naitindihan ang mga ibang sinabi ko sa blog ko?, inintindi mo ba? o baka naman iniisip mong hindi ako nakapag aral at hindi marunong bumasa ng abakda?
* Kung nag aral ka talaga ng abakada, kaano ano ni benjie parras si dong abay?, ipaliwanag
P.S1: Namiss ko ang Friendster blog na to, parang kinain ko lang ang mga sinabi ko nung lumipat ako, sabi ko kasi nakuntento na ako kung ano lang ang nanjan. hindi ko talaga kayang talikuran lang ang lugar na to, dati naalala ko pa ako palang ang nagtsatsaga mag basa ng blog na to, ngayon nagsisisi talaga ako sa mali kong pasya
P.S2: Alam kong Friendster blogger lang ang makakabasa nito at hindi basta basta bubuksan ng mga lurkers ko to sa wordpress, kung sakaling malaman nilang gumawa ko ng entry dito at nalaman nila, malamang nalaman nga nila, malinaw ang pangungusap, matagal na ang post na ito nawalan lang talaga ng internet sa bahay ahihih ok lang ^_^
P.S3: sa totoo lang kaya dito ako nag post, may mga tao kasi na hindi ko alam na binabaril ko na pala dun, akala siguro nila e sila ang punterya ko, ang alam ko kasi hindi ako marunong makipagbarilan sa taong alam kong malalapit sakin, kaya bahala na si madam auring sa inyo na magpaliwanag tutal magaling naman sya mang hula, sana magsabi sya ng totoo kung hindi sasakalin ko ang archie nya
P.S4: Pang GAME K N B ang tanong na yan kaya sagutin nalang, wala pong 1 million jockpot price yan, inuulit ko wala, wala talaga!, as in wala…
P.S:5 wala lang gusto ko lang umabot sa P.S 5
GuDBye Friendster BLOG!
February 1, 2009
W
A
L
A
*
N
A
*
A
K
O
*
D
I
T
O
Wala ng maraming sabe pa ~!
dahil nga pasasabugin na ni Stormy to umalis na ko bago pa man mangyare ang binabalak nya bleh! kasama pala ung bahay ko sa pag alis ko sa totoo hindi pag lilipat to BAYANIHAN kaso nga lang ako lang mag isa ng Buhat
Ayan palitan nyo na mga LENK nyo sakin
http://jex009.wordpress.com
Sah`Pahk
January 24, 2009
napaka simple lang naman ng Instraksyon ko i play lang ang kanta hayaang mag download mas maiging patayin muna ang Speaker at basahin ang buong kwento mainam din na lagyan mo ng bulak yang elong mo, yun e kung trip mo at uto uto ka….
Bilang pag bibigay pugay sa mga sumusubaybay sakin dahil narin meron akong “Ishang Shalita” at marunong akong tumupad sa usapan kahit hindi pa Bagong Taon ng mga Singkit na tulad ko ayan nag balik na nga po ko buti naman at wala akong na balitaang na nag tangkang lasunin ang sarili dahil lang hindi ako naka pag Update ng Blog ko na mahigit dalawang linggo kung meron man akong na miss e yun yung mga mababait na lamok at langgam na wala ng ginawa sa buhay ko kung di pag tripan at kagatin ang mura kong katawan habang nag blogblog ”tangina” kung meron man dapat sisihin sa pagka wala ko yun ay ang Abusayaf na Prof ko tsaka ko na lang sya Ibloblog meron pang isang taon para magkalinawagan kaming dalawa…
nung nakaraang linggo e naka salubong ko pa sya sa overpass ng Bahay namin (Sandigan Bayan) sa totoo lang ayoko syang pansinin o makita man lang sa labas ng skul pano kasi naka kunot yung nuo nya pag nasa labas sya daig pa nya yung intsik na naluge sa negosyo pero Tae wala ko magagawa pansinin talaga ako e minsan nga na tanong ko sa sarili ko “TAPINGS BA KO?!?” tinawag ba naman ako yung tipong nag tatawag lang ng aso
Psst! Hoy! di ba Studyante kita?!? sabihin mo wala ako!, may pupuntahan ako..
Warffft!!! Watfffft!!! (Sige po Sir..)
tulad nga ng pampaplastic ng iba sa kanya kahit di ko gawain ngumite na lang ako at sumangayun narin ako sa terror prof na ito sabi nya pumunta raw sya sa LBC pero ano yung na pansin kong tumitingin sya sa mga bagong Flavor ng dunkin donut sa totoo lang marunong ako kumilatis ng tao mausisa kung baga pero etong isang to ang hirap! dalawa yung pinag babasihan ko sa ugali nito pero habang hindi pa ko sure… hindi nga ako sure malamang hindi pa ko sure diba? (Ano daw?!?)
Teka ! bakit nga ba Sah’Pahk title nito? ano nga ba yung salitang Sah`Pahk? dahil meron akong Sah`Pahk sige…
Tanong ko… Sagot ko…
actually kasama yan sa Jexionaryo ko ang ibig sabihon nyan Siraulo o sa Ingles Insane hindi yan nalalayo sa salitang Saltik,Patik o Baliw…
aminado naman talaga ako na may Sah’Pahk ako e baliw na kung baliw diba?!? meron lang akong pakikilala sa inyo dahil nga meron na ring naliligaw sa blog ko na taga samin at nag rekwes na i blog sila o xaxa ayan…
Representing…
from the beuatiful places of damayan SG Joel A.K.A Mhen together with Agent Badang
Eugene ikaw ba yan?!?
Ooops! di po sya si Agent Badang masyado po kasi syang mailap kaya hindi ko sya nakuhanan pero Gurl po sya kinuha ko lang to sa google
Sino nga ba sila ? ilan lang naman sila sa mga taong naging parte ng buhay ko, kahit ikaw na nag babasa isa ka sa umiiksena sa buhay ko pero kung dinadaanan mo lang ako EXTRA ka lang tanggapin mo yun wala kong Budget para sayo kaya pede na pang Skyflakes sayo
Si mhen? hindi naman sya nalalayo satin ay sakin lang pala makwentong tao to lalo na pag Lasheng dun mo sya makakausap ng matino sya nga nag turo sakin mag luto ng adobo pano nya kaya nahulaan na di ako marunong mag luto nun “akala ko nga” ako lang merong sariling Jexionaryo sya rin pala! ang tawag nya kasi sa babaeng pandak “abunada” pag matangkad naman daw “agunada” natuwa nga ko nung nag kwento sya sa mga naging syota nya pero di ko naniniwala kasi nga “alam mo na” subukan mong kausapin sya tungkol sa mga naging syota nya try mo mag banggit ng pangalan sabihin mo “kamusta na yung syota mong si angel?!?” sasabihin nya ”si Angel? break na kami nun nung High School pa mabait yun” Ahaha pinutol daw yung etits nya kasi ayaw daw ng ermat nya na mag asawa sya isa lang naman na gustohan ko sa taong eto Kuntento sabi nya kasi sakin Simple lang daw yung gusto nya yung meron syang sariling mundo este bahay pala minsan maiinis ka talaga dahil isang buwan o kalahating buwan tsaka lang nya naiisipang meron pala silang tubig naiinis nga sya sa tuwing binabasa sya minsan naisip ko “allergic ba talaga to sa tubig?!? o tubig allergic sa kanya” sabi nga nya “sayang kasi kung itatapon yung tubig e kung painitin mo na lang tapos gawing pang kape…” manghihingi na nga lang ng panginum gusto may pulutan pa “walangya” bakit ko nga tinawag na SG joel to? sya lang naman ang maghapon naka tayo sa Shop pero inisip ko nga e bantay ba talaga to o tambay din? pero pansin ko lang baliw ba talaga sya ? pano sa araw araw na ginawa ng diyos e laging naka ngite akalain mo yun tinawag na siraulo pero alam ang kahulugan ng buhay nung minsan nga, umaga nun nag kakape pa sya abay bumate ba naman samin ng “hi Mheennn” yung tipong boses kambing natuwa na lang sila mantakin mo ba naman ang lamig lamig na nga nung panahon na yun naka hubad pa “Siraulo talaga e no?!?”sa kanya ko kaya natutunan mag hubad pag malamig…
Teka…
sino naman yung Agent Badang na yan?!? sya lang naman ang nakababatang kapatid ni Mhen hindi kami masyadong close pero ano to bakit ba ko na lilink sa kanya maraming Churvaness Chismax at sabi sabe marahil siguro e kagagawan ko to kung bakit kami nalink hilig lang naman nya mag lakad lakad tapos mag salita ng mga word of wizdom na to…
Injeksyon?!? Injeksyon?!? Injeksyon?!?
Feeling mo gwapo ka?!?
Akin yan e binili ko yan e!
Umalis ka nga Pwesto ko yan e!
nung minsan nga tutuhog sya ng fishball ng walang bayad tinuhog ko yung kukunin nya abay na galit ba naman sakin sabay sinabe
Patay Gutoorm!!!
Pero gaya rin sya ni Mhen pala ngite ewan ko ba bakit kaya sa kalagayan nila nun e nagagawa pa nilang tumawa minsan nga inisip ko sana ikaw na emo na lang yung naging ganun ^_^
“Ano bang masama sa pag gawa ng sariling mundo, mag tayo ng sariling gobyerno, isang simple’t masaya na mundo tama naman sila e bakit mo nga naman pag sisiksikan ang sarili mo sa lugar ng mga mapanghusgang tao mundo na punong puno ng problema’t karahasan at bansa na may ka sumpa sumpang Kurapsyon… ”
E bakit nag Dradrama ka ?!?
O xaxa I Play mo na nga yang kanta sa taas at ng masabayan kita…
Sino ang may Sah’Pahk?!?
BY: JEX
Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman
Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo’y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip di lubos
wasto ang pag iisip ngunit sa pag ibig ay kapos
Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip di lubos
wasto ang pag iisip ngunit sa pag ibig ay kapos
*ARE YOU HAVING FUN?!?*
Ooh…..Ahh…….
Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya’y higit na banal
Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip di lubos
Kaya’t sino, sino, sino nga
Sino nga ba
Sino nga ba
Sino nga ba ang tunay na baliw
Oh ano?!?
nagawa mo tumawa mag isa , Kumanta na walang Microphone at kumandirit kahit na walang nanonood…
Tatanungin kita…
~Sino ang BALIW~
darara..rarara…dubidara…dubidobidobidooo dap!daprapdarapi dubido ?!? yeehhhh ! Nyay!
Sah’Pahk ang Sakit na walang Gamot
Siguro naman na himasmasan ka na nyan…
Proud to be Sah’Pahk~
J~E~X
I Shall Return…
January 10, 2009
Tulad ni Gen. Douglas MacAthur meron syang binitawang salita bago nya tuluyang lisanin ang pilipinas “I came through and I shall return”
kailangan ko munang lisanin itong pangalawang mundo ko ito’y panandalian lamang, alam kung marami ng pumapasok sa isip nyo kung bakit kailangan ko pang umalis kaya uunahan ko na kayo…
Una sa lahat hindi po dahil sa nag tatampo ako sa inyo dahil nga e nakuntento na lang kayo sa pag babasa at ayaw nyo mag kumento, hindi rin sa nag papapansin lang ako dahil kulang ako sa pansin kaya nag eemo emohan ako at nag papaka Lash Lash ako dito at isa pa hindi ako tinatamad busy lang talaga ako…
Pangalawa hindi rin dahil sa walang nangyayari sa buhay ko o wala na akong makwentong na kalokohan sa katunayan meron akong itinatagong isang libo limangdaan apatnaput anim (1,546) na entry na kasalukuyang naka draft sa aking munting blog (Oi TANGA na niwala xa…), hindi rin ako mabagal mag update ng blog ko ayaw ko lang talaga ipublish ito, dahil ayoko, dahil ayoko pa at ayoko pa talagang ipublish promish…
Pangatlo hindi rin po dahil sa wala lang ako e may Sakit na ko at kasama na ko sa nag papanata sa itim na nazareno para makipag siksikan, tulakan, hilahan at maki HIPO para lang gumaling sa karamdaman ko at kung meron man akong sakit hindi ko na kailangan pang pumunta pa don kuntento na ako sa pag sisign of the Cross ko pag napapadaan ako sa palasyo ni jesus…
kahapon habang pauwi na kami ng Clasmate ko (Tahimik sa Klase to pero pag nasa labas e Malandi pa sa Haliparot na Bading) habang nakikipag kurutan at nakikipag landian sya sakin meron kaming nakasalubong na kalalakihan mukha silang mga abnoy dahil naka yapak lang sila, yung isa e meron pang hawak na towel na pinuluput pa sa kamay nya wariy nag aamok pa ng away samin, siguro taong grasa maiituturing tong mga to dahil ang mga paa nila e parang paa ng tunay na Taong Grasa at daig pa nila yung mga nangalaykay ng basura sa payatas karamihan sa kanila e mukha talagang hindi gagawa ng mabuti at dahil nga isa akong Matapang na TIGRE na nag tatago sa anyo ng Maamong TUPA pero may buntot ng Matalinong MATSING na sumisimbolo sa buo kong pagka hayop, nagpakita ako sa kanila ng pagkatakot pero lingid sa kaalaman ng nakakarami meron akong tinatagong Yabang sa Katawan pero bago paman mangyari ang inaasahan ko e meron akong na pansin sa isa nilang kasama meron syang suot na damit naka sulat SAKRIPISYO mga deboto pala sila ng itim na nazareno “Tangina nag kamali nanaman ako AKALA KO KASI mapapaaway na naman ako…”
“Ang bawat Kwento may katapusan kahit pa meron pa tong Part 1 2 & 3 o maging The last episode pa yan kahit gaano pa kaganda o kahusay yan sa hule mag WAWAKAS yan…”
Yamang binasa mo na rin tong entry na to at nag kumento bakit hindi mo na rin subukang mag kumento muna dito habang wala pa ako…
Wala akong pera
Tawah ka pa ?!?
Yung Baboy!!! Yung Baboy!!!Yung Baboy!!!
Istambay
Babalik ako siguro sa bagon taon… sa bagong taon ng mga Chinese…
P.S: kay Walongbote na nag selebrayt ng bertdey nya Hapi BeerDey, Stormy hindi ako patay para mag paramdam wag ka mag alala pag ganap na ko na multo ikaw una kong dadalawin kaya mag handa ka jan…
GuDByE 2k8!
January 1, 2009
“Hindi mo na kailangan hintayin pa ang bagong taon para lang sa salitang pag babago nag hihintay ka jan di ka na pala aabot…”
“Minsan” talaga e may pagka inggetero ako kaya naman na pag isip isip ko na gumawa din “sana” ng New Year Resolutions pero sabi ko wag na lang kayang kaya mo naman kasing gawin ang isang bagay kung gugustohin mo lang
Diba ?!?
Tama ko no?
Sagot!
Woist diba tama ako!?!
HOY! TAMA AKO DIBA!!!
Bakit TAMA naman talaga ako e
Ano mali dun?
Basta Tama ako…
Ang taong 2008 e talagang napaka swerte para sakin kahit hindi naman para sakin ang taong ito, year of the Dragon ako kahit na mukha akong year of the monkey
kahit na hindi ko pa tinitignan e year of the OX ngayun (Partida naka pikit) pero wag ka MAYABANG kung taon mo ngayun kasi pag TAON ko na aabangan kita GAGO ka (Joke lang) sabi nila pag taon mo daw e maswerte ka daw pero bakit naman ako e parang Swertehin sa taong 2k8 (Pero wag ka!, kakatapak ko lang ng EBAK) ewan ko pero wala naman talaga akong ginawa kaya lang siguro na Swerte ako sa taong ito e lage lang akong naka NGITE “o yung mga uto uto jan Ngiteh na baka swertehin ka din”
Teka gusto ko palang mag balik tanaw, kasi sa taong 2008 din ako naka pasok sa Blogsphere ang bilis nga ng buwan parang hindi apat na buwan kung hindi apat na linggo lang naka pasok ang Walang Kwentang Hinayupak na to…
Kung may lahi kayong Inggetero tulad ko e pede nyo rin gawin to dahil nga e sobrang BAIT ko e Shashare ko sa inyo ang site na to
Click po di ko naman makikita yan e
sa taon 2008 ko rin nakilala ang kaibigan ko si RexTer ayan sya o..
Nakikita nyo ba sya?, hulaan ko hinde kase wala naman talaga syang Pixture gusto ko sana e mag katabi kami sa pixture kaso di pede Imaginary Friend ko lang sya, kaya nga Drinowing ko na lang sya kung nabasa nyo yung entry ko na “My Imaginary Friend” malamang wala lang…
Rexter
diba ang CUTE ?!?
ang CUTE ko ?!?
Hai BoHai!
Parang kailan lang e binugbug tong mga to ni “DADDY”
Marco Antonio Barrera
Juan Manueal Marquez
Eric Morales
David Diaz
Oscar De La Hoya
Wu’s NXT?!?
sabi nila e PRO (PROFESSIONAL) sila, yun pala
PRO…
PROSALITA!
PRODADA
PROASA
pag dating
naman
sa
RING
“AYUN! TALO…”
Manny “Pacman” Pacquiao
Iba kasi pag MAIS ang kanin mo!
Go Daddy GO GO GO ! Susundan kita!
o naiinggit na naman yung iba jan wala kasing DADDY Blehh…
Sa taon din to nagkaroon ng sunod sunod na Krisis sa pilipinas sa bayaran sa kuryente, Langis, at maging sa Bigas, ewan parang pasadya minsan, kasi sa tuwing meron lang isyu ang kasalukuyang nakaluklok e tsaka lang nag kakaKrisis sa pilipinas hindi kaya para lang matakpan ang isyu e sinasabi nila na my Krisis kahit wala naman talaga..
pansinin nyo pag nagkaroon ng Scandal (Sex Scandal) si Madam mag kakakrisis na mag kakagulo na media nyan kakausapin na kung sinu sino mag hahanap na ng Witnes yan meron kunyari Saksi nakita nya naka hubad,naka patong,naka tuwad tapos sisikat yung saksi na yun tapos nun marami ng epal nyan anjan na yung Madlang Pipol pupunta na yan sa Edsa tapos kakantayan ng “Magkaaaaaiisaaaa!” pero wala silang mapapala nakaluklok parin si madam ayan lalaki na ng lalaki yung isyu mag papatong patong yan at pagkatapos nyan para matabunan ang isyu e “Kunwari may Krisis…”
Madam: Ikanalulungkot kong sabihin sa inyo na may Krisis tayo sa bigas kaya Madlang Pipol mag tsaga na lang sa tutong… naubusan kasi tayo ng supply ng bigas blah! blah! blah!..
Ang pag kakaalam ko kasi e No. 1 tayong nag EEXPORT ng bigas sa ibang bansa pero bakit ngayun e kulang na kulang tayo sa bigas… TeKa bakit may halong Pulitika ang Blog ko ngayun? diba dapat nasa Showbiz tayo kasi ang may ari ng Blog na to…e… eh.. Ehh… Ehehehehe! (First time ko tong tumawa sa BLOG ko)
Siguro nga e Bata pa ko para sabihin tong mga to at wala pa akong nalalaman, siguro nga e wala nga talaga akong alam dahil nga e hamak lang ako, siguro nga e wala akong karapatan na humusga ng tao dahil nga e isa lang akong hamak na tambay pero sa totoo lang naiinis ako lagi na lang bang ganito? ikaw kaya kumain ng Tutong…
Ayan Inuulit ko ule…
“Ang pagiging SIMPLENG TAO sa masikip, magulo, at masalimuot na mundo ay sapat na para mabuhay ka ng sobra sobra…”
Sa taon din pala nakilala ang palabas na to na dati e sa libro lang mababasa
Twilight ~ Takipsilim
Maganda daw ang kwento kahit di ko pa napapanood pero mas maganda na basahin kaysa panoorin marami kasing kulang sa kwento sabi nila, alam nyo khit pasko na e prang ang tingin ko e ang daming Vampira sa tabi ko! dahil kahit san ako mag punta na WEBSITE (POOKSAPOT) e lagi ko na ririnig yan ! twilight (takipsilim)
kaya nga nung minsan e bumati ako sa inyo ng Merry Christmas, Happy New Year & Happy Halloween
Pano feeling ko katabi ko si edward kahit pasko, habang ginagawa ko tong entry na to e nanunood pala sila ng Twilight na ending lang naman e sa Gabing Madilim
Meron nga palang Pinoy Version ang Twilight (Takipsilim) Sige lang Go! Ewan Kailan pa kaya magkakaroon ng ORIGINALITY ang Pinoy… pero alam nyo mas maganda pang panoorin yung Doraemon jan may kapupulutan ka ng ARAL pero sabi nga nila walang PAKILAMANAN!
Ayan Bagong Taon na nga January 1 2009 kalimutan mo na ang lahat ng nangyari sayo sa taong 2k8 panibagong pagsubok panibagong problema panibagong tayo, ikaw, at sila hindi ko sasabihing panibagong buhay dahil isa lang ang buhay mo hindi mo pede dalawahin ngayun kung trip mo na mag bago bahala ka!
woist…
GISENG 2k9 na po ngayun!
SALAMAT HA?!?
December 27, 2008
Pag Kayoh naman Jhan!, di keyoh Jhan nahwai…
Hindi ko na talaga kaya… nahihirapan na ako… lagi lagi na lang akong nasasaktan, paulit ulit na lang ba talaga to?!?, minsan naisip ko na sana, TAMA NA!, AYOKO NA, SUSUKO NA AKO… sinubukan kong magalit pero na pag isip isip ko “PARA SAN PA?!?” , Gusto ko na talagang umiyak, sabayan pa ng pag tulo ng pawis ko, kaya naman humingi na ako ng tulong sa panginoon buti na lang at nandyan sya para tulungan ako, hay… SALAMAT naka TAE din… (Feeling nyo nag DADRAMA ako ?!? Di ako EMO-tero!)
bago ako dumako sa pakay ko e kakamustahin ko muna kayo jan…
KAMUSTAH naman
ang
KAMAY
mo?!?
“Mas maigi na humanga ka na lang kaysa mainggit ka pa, kadalasan sa inggetero sila pa yung laging napapahiya…”
Kaya makuntento na lang sa paputok ni JUDAS okey?!?
oras na para pasalamatan ko kayo…
GOD…
Eto na naman po ako at kumakatok sa langit…
Thank you for giving me a loving
family, good friends, and a Simple
life…
Lord inuna ko na kayong pasalamatan sa lahat ng dapat pasalamatan, Salamat po dahil pinakikinggan nyo ako kahit na ganito ako ka kupal, ka gulo,at ka kulet salamat po nung minsan meron akong Problema at binigyan nyo ko ng gabay, “Lord sinubukan ko pong intidihin ang iba pero hindi pala lahat kaya kong intindihin, buti lang at nanjan po kayo SALAMAT…”
Thank You for Loving, Caring and
Trusting me with all your Secret’s
Salamat po sa mga taong na tuwa, ngumite, napa mura, at humanga sa ginawa kong kalokohan na akala ng iba e puro nga lang talaga kagaguhan ang ginagawa sa Blogomundo, Teyks dahil binigyan nyo ako ng kaunting ORAS.., TY din sa mga nag kumento, di nag kumento kahit napaka dali lang naman talaga mag CLICK at mag TYPE, sa mga dumaan, na padaan, dadaan, at tuluyan na ngang naligaw sa BLOG ko, sa mga taong namigay ng taus puso, yung mga taong namigay nga pero may kapalit naman, tumulong sa abot na makakaya, yung mga tumulong na nag pa bigat pa lalo sakin Thank you, dun pala sa mga kaklase ko na nangopya at nag pakopya kahit mali Salamath sige lang wag kayo papahule sa mga inggetero/inggetera okey?, sa mga taong Inaway ako kahit ayoko sa gulo Talamat kasi di mo ko sinuntok ng malakas kung sabagay parang alanganin ka nga naman sakin kasi ang labanan natin e parang si pakyaw (Pacquiao) at delahoyah (Dela Hoya), sa mga taong nag mamahal sakin i love you too Thx sa pamilya ko na patuloy na umaaruga sakin, sa mga kaibigan ko na kinaaway muna ako at yung mga ibang friend ko na Pamilyado na “PRE sabi ko diba hintayin mo ko?!? ” sa mga babae na naalala lang ako sa tuwing may problema sila wag na kayong mag pa SALAMAS sakin kasi ako lang dapat mag PASALAMAS sa inyo “SALAMAS NG SALAMAS ng MARAMI!” lahat ng gumawa ng mabuti, masama, kagaguhan, katarantaduhan, katuwaan, kaligayahan, kasiyahan sa life ko kahit ayoko ko e pinilit nyo ko Thank You!”
Salamat talaga sa mga taong naging parte ng buhay ko !
ayan mag BABAGONG TAON na… ika nga ng marami e mag BAGO na tayo… kayo lang pero ako hindi na, kasi wala ng dapat pang baguhin sakin napaka bait kong UNGGOY alam nyo yan!…
sa totoo lang walang pumapasok sa makitid kong pag iisip kaya hanggang dito na lang muna DAI/DONG babalik ako sa susunod na taon kita kit’s tayo huling entry ko na to sa taong ito.
Hala Sige!, Halukayin nyo BLOG ko habang wala ako…
Sabe nga nila madali lang sabihin ang salitang Salamat, opo alam ko po yun, pero hindi mo ba alam na mahirap gawin ang salitang…
SALAMAT HA?!?
BABALA: sa lahat ng nag kumento dito at hindi man lang nag kumento sa isang kong entry sa baba Eto kah…
Jex Saah Paahk!
SORRY NA HA !?!?…
December 21, 2008
Im sorry, Sorry for all the wrong
things that i’ve done to you…
Maneegah !
SORRY sa lahat ng na nainis, na asar, na pikon, at tuluyan na ngang nasaktan sa mga sinabi ko kahit na hindi ko naman talaga kinalabet ang PWET mo at tsinane yang buhok mo sa ilong, Sohee din sa mga Boi ~ Lalu, Gurl ~ lalu, Baklush, Teibhow na pinansin ko kahit di ko naman talaga ka close Churie talaga kung naging bastos ako sa paningin niyo, tsk… napaka IGNORANTE ko talagang tao dahil sa hinangad ko pang makilala ang isang tulad mo… pero masaya naman ako dahil nakikilala ko naman ang iba, “Sorry Talaga eto talaga ang paraan ko para makilala ang isang tulad mo…” yung mga taong nag reak sa sinabi ko thank’s dahil ginawa mo ang inaasahan ko, dun naman sa mga tumalikod lang at nag kunwaring natawa kahit sinabi ko na sayo na “minadali ba yang mukha mo, Tapos na ang Maskara Festival bakit suot mo parin yang maskara mo, Hi! Kamustah ang Shooting ng Bakekang??!?” tapos nung tumalikod e tuluyan na ngang nag boses at sinabing…“ANG KAPAL NG MUKHA MO !!!, P!@#$%^ I&^ M(*) AKALA MO KUNG SINU KA!! FEELING GWAPO, MUKHA NAMAN INTSIK NA NALUGE” okey sige… thank’s parin kahit na nangangamoy ang pagiging PLASTIC mo… Marahil meron talagang mga tao na iba iba ang paraan para makilala ang isang tao meron dinadaan sa pakikipag kilala, nakikipag shake hand, meron pa nga e dinadaan sa pakindat kindat at pangite ngite (Ngiting Aso) at Siyempre para maiba lang ako, ayun sa pang AASAR ko ginagawa, “E para san pa ang Salitang SORRY kung di mo gagamitin”. alam kong masakit, sabi nga nila sa una lang daw ang sakit, pero Promish! one time ko lang gagawin sayo yan.
SOWEE again.. sa mga taong nagawan ko ng kasalanan kahit minsan e sinalo ko lang ang kasalanan ng iba at ako naman na tanga e inako ang di ko naman talagang kasalanan, pati narin kay ina’y at ita’y na hanggang ngayun e pilit na iniintindi ako sa katigasan ng ulo ko, kahit na may Saltik ako sa ulo e na gawa parin nila akong mahalin, sa lahat naman ng nakaaway pati na rin sa napaputok ko ang nguso kahit hindi pa bagong taon “sorry this is not fault” dahil kahit kailan di pa ko nakipag away ng walang dahilan “Wag mo kasi akong kuliten habang kumakain ako ng PEBORETS kong FISHBALL”, dun pala sa naki awat lang at nasaktan sa marahas kong pakiki pag digma kahit na parang awat ng Manyakis yung ginawa mo sakin ohhhh!! im so sorry T_T, sa mga naging GURO ko na nakakahinga lang tuwing walang pasok at natuwa lang nung umakyat na ko ng tuluyan sa entablado at humarap sa madla habang hawak ang isang gintong papel na kung tawagin ng iba ay diploma, “Sorry Ma’am/Sir, kasi naman ang panget niyo mag turo daig niyo pa yung nag tuturo ng sex education”, CHOWREI… kung di ko nagagawang gawin yung mga takdang aralin ko, OI yung bading na inasar ko na bakla kahit gustong gusto naman niya SHUREY, dun sa hindi bading na inasar ko pero naka taas yung isang kilay paki baba naman nalalaglag yung balakubak mo sa kilay, Sinabihan man kita na TANGA ok lang yun pareho naman tayo…
at siyempre kung may special thank’s ang iba may special sorry din ako..
GOD…
sorry kung di ko na gagawang mag simba tuwing linggo at dalawang beses lang ako kung mag simba sa isang taon, sorry kung hanggang sa sasakyan ko lang nagagawang mag sign of the cross na sa paningin ng iba e pakitang tao ko lang kahit na alam niyo naman po kung gano kalakas ang pananampalataya ko sa inyo… LORD minsan na isip ko po, na sana ginawa nyo na lang po akong pataba sa lupa at di nyo na po ginawang ganap na tao, pero ngayun e alam ko na po kung ano ang dahilan nyo, “LORD, tama sila… ang hirap po palang pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw yung bida sa Script na pinili nya.” alam ko pong marami po kayong dahilan kung bakit, bakit ba, at bakit ba talaga…
hanggang dito na lang po muna GOD gagawa nalang po ako ng ENTRY para sa inyo (DEAR GOD)
Mag papasko na at malapit na rin ang bagong taon sabihin mo man na napaka kapal ng mukha ni JEX para humingi pa ng aginaldo..
Maituturing ko na pong malaking regalo ang pag tanggap mo na SORRY ko! kahit hindi na po naka balot okey lang…
Ngayun kung Galit ka parin kahit na ginawa ko na ang iba’t ibang paraan ng pag SOSORRY, kahit na naka TAYO, naka UPO, naka TUWAD, naka HIGA… ay BAHALA ka jan… ang sarap TUMAWAH ! tanong mo pa sa mga bata…
“DIBA CHILDREN?!?”

di ko alam kung hanggang kailan ko pa sasabihin ang salitang…
SORRY NA HA !!?…
Pahabol: (SIMBANG GABI) Habang binabaybay ko ang simbahan ng Saint Peter Parish papasok sa loob meron nga palang tumusok sa paa ko na mabait na barbeque stick, wala lang… gusto ko lang malaman niyo na mabait siya dahil hindi niya ako binigyan ng tetano, dinedma ko na lang hindi naman kasi to dahilan para di ko na pag patuloy ang pananampalataya ko sa diyos, meron palang babaeng hinimatay sa tabi ko (Itinulak ko daw sabi ng kasama kong UTISTIK) hindi ko kaagad na itayo ang bigat kasi niya yung kasama nga niyang mukhang bouncer hindi siya na itayo e (sorry), ewan parang ang tingen ko sa simbang gabi ngayun e simbang aliw yung iba kasi pumunta lang dun para Tumambay, makipag away, mag pa manyak sa manyakis, kung sa bagay wala nga naman pakilamanan kanya kanyang trip yan PAKI ko nga naman at PAKI mo din kung mahaba yung pababol ko ngayun BLOG ko naman to e…
Jex Saltik!




















